“Pagtapat” by Jashaél (Himig Handog 2014 Song Entry #1)*

Sa bisig mo ba ako’y matatangi
Bugtong na makatitikim ng tamis ng ‘yong labi?

“Would you want the one you love to love another? A number of my literary pieces have sprouted from exploring this particular angle on relationships, including my very first Filipino ballad, “Pagtapat.” It’s about deeply loving someone who claims to love you back; but with every embrace, with every stare, with every kiss, you can tell that someone else is on his mind.

Pagtapat

‘Di naman kita matitiis
Kaya ‘wag kang magtangkang magkunwari
‘Di naman kita pipigilan
Sa kung anong gusto ng ‘yong budhi
Ayaw ko lang ng ‘di pagkakaunawaan

‘Di naman kita iiwasan
Kaya ilatag mo ang totoong nadarama
‘Di naman kita huhusgahan
Tumingin ka sa aking mga mata
Ayaw ko lang ng ‘di pagkakaintindihan

Nawa ang ulap ay lumuha na

Tunay ngang minamahal kita ng labis
At tanging ikaw lamang ang iniibig
Magbago man kahulugan ng ‘yong langit
Handang ibuhos lahat pagkat

Ikaw ang aking buhay na panaginip
Hinding-hindi mawawaglit sa aking isip
Puso ko ay napupuno ng ligalig
Kailangan mo bang magtapat?

‘Di naman kita iiwan
Mananatiling anino sa iyong tabi
Ayaw ko lang nang umaasa sa wala
Ako ba talaga ay sinisinta?
Ayaw ko lang ng mga maling akala

Sana ang ulan ay tumila na

Tunay ngang minamahal kita ng labis
At tanging ikaw lamang ang iniibig
Magbago man kahulugan ng ‘yong langit
Handang ibuhos lahat pagkat

Ikaw ang aking buhay na panaginip
Hinding-hindi mawawaglit sa aking isip
Puso ko ay napupuno ng ligalig
Kailangan mo nang magtapat

Sabihin mo na
‘Wag magkaila

Sa bawat pagkurap
May iba bang hinahanap?

Suriin ang kalooban
‘Wag maging bulaan

Sa bisig mo ba ako’y matatangi
Bugtong na makatitikim ng tamis ng ‘yong labi?

Dahil mamahalin pa rin kita ng labis
Ikaw pa rin ang tangi kong iibigin
Maglaho man ang mga bituwin sa langit
At tubig sa dagat

Ika’y mananataling aking panaginip
Patuloy na mananunukso sa aking isip
Puso ko ay naghuhumaling
Ito ang aking pagtatapat

Sabihin mo na
‘Wag magkaila

Ako ba ang nais na makasama
Hanggang sa huling hininga?

Suriin ang kalooban
‘Wag maging bulaan

O sa bawat pagkurap
May iba pang hinahanap?

*To conform with the rules, I submitted a 4-minute submission to Himig Handog. Thus, the one uploaded to SoundCloud is slower than my submissions, being five seconds longer.

Advertisements

One response to ““Pagtapat” by Jashaél (Himig Handog 2014 Song Entry #1)*

  1. Pingback: “It’s a cruel world”: An Open Letter to HIMIG HANDOG P-Pop Love Songs | Jashaél·

I'd love to hear your thoughts! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s